---
how much is your salary?
----> uncertain to answer...
sukatan ba ng success kung magkano ang susuwelduhin mo?
pero nakakahiyang sagutin ang katanungan na nabanggit
dahil natatakot ako na mahusgahan kaagad.....
ngunit ano nga ba dapat ang kailangan kong ikatakot....
kung gusto ko naman ang magiging trabaho ko..
siguro may magsasabing isang kahibangan ang pagpili ng trabaho na maliit ang sweldo kesa sa trabahong malaki ang sweldo...
oo..isa akong hunghang...dahil mas pipiliin ko ang simpleng pamumuhay kesa sa buhay na araw araw na luluwas sa siyudad, gagastos ng pagod, isusugal ang kalusugan, para sa mas malaking sahod...
tawagin mo akong baliw dahil mas ginusto ko ang trabahong sasapat lamang....
dahil mas gusto kong mamuhay ng simple....
di ako naghahangad yumaman...ang hangad ko lamang ay kasiyahan.....
..
oo nga...sasaya ka pag nabibili mo ang gusto mo, at may siguridad sa iyong hinaharap......
may malaking ipon, may magandang bahay, at sasakyan...
........ngunit kung aking iisipin...ayokong sayangin ang yaman ng mundo....kukunin ko lamang kung ano ang sasapat sa akin ng sa gayon, hindi makulangan ang iba...
"we must live simply, so others would live simply too........."
--------------------
tignan natin ang mundo ngayon.... maraming naghihirap, dahil sa pagkawala ng likas na yaman dahil sa garapalang pag aangkin at pagkuha nito....
kawawa ang mga napag iiwanan....
......una-unahan lang ba talaga?
............
****
***
**
*
*
June 18, 2012........mag uumpisa na ako...para ibahagi ang aking kaalaman sa aking mga napag aralan............